Teaching demo, kabado ka? Kung first time mong magdedemo bilang ESL teacher, normal lang na kabahan ka.

Kung ang isang super galing na teacher with near native accent ay kinakabahan pa din sa first time demo nila, ano pa kaya kung ikaw ay isang average person, isang ordinary house-wife, hindi related sa education ang tinapos, at kahit isang minutong experience sa pagtuturo online ay wala- nada. Malamang matataranta ka.

Ngunit hindi porket kabado ka ay dapat ng umatras at maghanap nalang ng iba. Kung hindi mo susubukan, pano mo malalaman diba?

Kung first time mo na magdedemo, wag masyado kabahan. Para madagdagan ang confidence mo, may mga bagay kang pwedeng gawin para makapaghanda.

UNA

Unawain ang purpose ng demo. Para saan at bakit nga ba kailangan ang demo? Kung malinaw sayo ang purpose neto, you are one step ahead para maovercome yang kaba-kaba na yan.

Bakit nga ba kailangan magdemo?

  • Ito ay paraan para maassess kung capable ka at meron kang skills to do the job. Dito malalaman ng possible ESL company na papasukan mo kung marunong ka nga talagang magsalita ng English, alam mo ang Subject-Verb agreement kahit papaano, at kung anong accent meron ka.
  • Para makita ang iyong potential. Oo hindi kailangan na magaling na magaling ka kaagad. Alam yan ng mga naghahanap ng ESL teachers na hindi lahat ay mga super talented. Kumbaga, bilang lang ng daliri ng kamay at paa ang mga applicants na magagaling na right on the spot or exceptional ‘ika nga. Na kapag nagdemo ay tutulo laway mo dahil lahat ng gawin sa demo ay 10/10- perpecto yasay! Karamihan sa mga applicants ay average. Pero nakikita nila na meron room for improvement. Na pwedeng gumaling. Parang uncut diamonds. Pangit pa sa labas, pero konting polish lang eh lulutang na ang taglay na galing. Charot!
  • To see your attitude about teaching. How you handle yourself and different situations during class. May mga instances na susubukan ka ng taong nagcoconduct ng demo. Mga out of the ordinary actions na bigla nalang nilang gagawin at doon nila titignan ang iyong reaction or behaviour.

Ang mga nabanggit sa taas ay hindi makikita sa isang normal interview lamang kaya required na gawin ang demo.

Ang una at pangalawang items ay common at expected na ‘yan ang mararanasan mo during demo. Yung pangatlo naman, ay maaring maranasan mo or hindi. Depende siguro sa trip ng taong kaharap mo. Pero maganda na ang handa ka. Bago ka sumabak sa giyera, dapat ay may sapat kang bala.

Kabado sa ESL Teaching Demo? (Sample ESL Teaching Demo)

Share on:

PANGALAWA

Magprepare.

Ano nga ba ang best way to prepare?

Bago ang actual demo ay bibigyan ka naman ng topic. Para at least organized yung demo. So doon palang ay may chance ka na para maghanda like gumawa ng props, or ng activity na alam mong gawin- like kung magaling ka kumanta or marunong ka ng voice acting- do it. That way you can add extra-color to your performance. Pero word of caution lang- don’t overdo it. Basta focus on the lesson at yung mga nasabing extra actions ay sahog lamang.

At ang pinaka-best na paghahanda ay magpractice magdemo. Yes, wala ng mas hihigit dito to better prepare you.

Yayain mo kapatid mo, kapitbahay, asawa, or kung sinuman na tutulong sayo at sila ang magpanggap na student kunwari. Then present your lesson to them. Although wala silang alam sa ESL teaching eh may experience naman sila sa classroom so kahit papaano ay makakapagbigay sila sayo ng feedback. Feedback na hindi mo malalaman kung nagpapraktis kalang mag-isa.

Better yet, magtanong sa mga ESL teachers na kilala mo mismo. Sila ang best source of information mo dahil napagdaanan na nila mismo ang process na pagdadaanan mo palang. Or ang the best, yayain mo ang ESL teacher na ipraktis ka magdemo. Yun!

Kapag nakapagpraktis ka na ng maraming beses, you’ll gain enough confidence para maideliver mo ng maayos ang demo kapag oras na talaga. Of course may kaba pa din. Pero yung kaba na yun ay dahil sa excitement nalang siguro dahil yung una mong kabang naramdaman- kaba ng isang walang alam, ay by this time- naglaho na.

PANGATLO

Mag-alay ng panalangin para hipuin ng Holy Spirit ang puso ng magiinterview sayo at bigyan ka ng pagkakataon na patunayan ang galing mo. Marami nagsasabi effective to. Pero hindi guaranteed dahil baka may ibang plano para saiyo. Hehe!

PANGWAKAS

Wag kalimutan ang pangatlo. Pero yung 1 & 2, yun lang ang may control ka, kaya dun ka magfocus.

Nawa ay magtagumpay ka!

Share this post: